Skip to main content
Ang Pagtaas ng Teenage Pregnancy Rate sa Pilipinas
by: UNTAL, ELTON JAY R.
Nakakabahala ang pagtaas ng bilang ng teenage pregnancy sa bansa dahil pabigat umano ito sa ekonomiya ng Pilipinas at posibleng pangtumaas ang mga kaso ng teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ng mga kabataan sa gitna ng COVID-19 pandemic. kung pagbabatayan sa mga nagdaang kalamidad at sakuna sa bansa at ibang bansa, isa sa nakikitang epekto nito ay ang pagtaas ng kaso ng teenage pregnancy. Ayon pa sa datos ng Philippine Statistics Authority, 200,000 Pilipinong teenager ang nabubuntis taon-taon mula 2014 hanggang 2019 at Kabilang dito ang 60,000 plus na manganganak sa 2021 at halos 100,000 menor de edad na patuloy na pinuno ng kanilang pamilya mula sa mga nakaraang taon at nakababahala ito dahil magiging pabigat umano ang sitwasyon sa ekonomiya ng bansa. Ang kapusok at pagiging pasaway ng mga kabataan ito nga ba ang dahilan ng paglobo ng mga kaso ng teenage pregnancy sa bansa? hindi dahil sa kapusukan ng kabataan ang pinakadahilan ng pagdami ng mga nabubuntis na teenager kung di sa kapaligiran na hindi nababagay sa pag-uusap tungkol sa sex at kakulangan sa paggabay ng mga magulang sa mga kabataan kaya dapat lalong paigtingin ang paggagabay ng mga magulang sa mga kabataan at para sa mga lokal na pamahalaan paigtingin pa ang pagpapatupad ng kanilang mga programang pang-kalusugan at palawakin pa ang kaalaman sa ligtas na pakikipagtalik at pag aadvise sa tamang paggamit ng condom, pills at etc. upang mapigilan ang maagang pagbubuntis.